Mga Pahina

Lunes, Oktubre 19, 2015

Bakit kailangan ng Extra Income?

Maraming dahilan kung bakit kailangan natin ng iba pang pagkukunan ng pakakakitaan lalo na sa panahon ngayon, isang dahilan ay hindi sapat ang ating sweldo mula sa ating trabaho o sa pangunahing pinagkukunan ng ating kabuhayan.

Karamihan kasi sa mga kailangan natin sa pang araw-araw na buhay ay hindi naman bumababa ang mga presyo, kung meron man na bumababa ang presyo ay ilang mga bilihin lang at madalang pa na mangyari. Ito ang isang dahilan kung bakit hindi natin nabibili o naibibigay ang lahat ng mga kailangan natin o pangangailangan ng mga taong mahalaga sa atin.

Sa trabaho, para lumaki ang sweldo, kailangan palaging mag overtime. Paano kung walong oras lang ang schedule ng pasok, edi yun din lang ang babayaran, maaaring minimum wage lang. Ano na ang gagawin sa natitirang oras sa isang araw? Iyon ang magandang pagkakataon para makapaghanap ng oportunidad na magkaroon ang ng iba pang source of income.

Marami namang pwedeng pagkunan ng ibang pagkakakitaan kahit na abala ka sa trabaho mo o sa ibang bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento